In the more than two and a half years of the current administration, we have seen how Duterte leads the country. He puts everyone under his tyrannical rule through fear, violence, and intimidation. He rewards sycophants with impunity and persecutes those who dare go against his crooked policies by destroying their integrity.
By now, it is clear to many: Duterte targets those who fight for the truth, justice, human rights, and democracy. He puts his critics in jail, removes them from office, or ordered killed. He spares no one, not the Church, not even God.
Ang sabi nga, walang sinasanto. Talagang walang sinasanto si Duterte maliban sa kanyang sarili. Walang mahalaga at dapat masunod kundi ang kanyang kapritso. Pinahihigpit niya ang kapit sa kapangyarihan gamit ang dahas, kasinungalingan at pagkakawatak-watak ng mga Pilipino. Sinisiraan ang mga alagad ng Simbahan, at tinawag pa ang Diyos na estupido.
Sa paniniwala natin, demonyo lang ang gumagawa ng ganitong kawalang respeto sa Diyos at kawalang pakundangan sa buhay ng tao.
Kaya naman ikinalulugod po natin ang pagtitipong ito sa pangunguna ng ating Simbahan, at pakikiisa ng iba’t ibang organisasyon upang palakasin ang ating tinig, ang ating paninindigan, at ang ating pananampalataya. Ipakita po natin na may nagkakaisa tayong boses laban sa mga baluktot na polisiya ng gobyerno. Sa halip na matakot at manahimik, iparinig natin ang ating saloobin, at tumindig para sa tama at makatarungan.
Patibayin natin ang ating pagbubuklod at iparating sa mga pinuno ng ating bayan: Tutol tayo sa karahasan at patayan, tutol tayo sa kasinungalingan, tutol tayo sa pagpapalaya sa mga magnanakaw, sa pagpapakulong sa mga bata at pagkakait sa kanila ng magandang kinabukasan. Higit sa lahat, tutol tayo sa mga bumabastos at yumuyurak sa Banal na pangalan ng Diyos.
Patuloy po nating ipagdasal ang ating minamahal na bansa. Manalig tayo na sa huli, laging mangingibabaw ang ating pananampalataya, at mananaig ang katotohanan, katarungan, at kapayapaan.
Maraming salamat at isang mapagpalayang araw po sa lahat!