Kilalang election lawyer.
Nagsilbing Chairperson ng Commission on Human Rights. Nanungkulang Secretary of Justice.
Ibinotong Senador ng Republika ng Pilipinas ng mahigit 14 na milyong Pilipino.
Sa bawat hinawakang tungkulin, sa pribado man o gobyerno, walang inatrasan, nanindigan nang buong tapang. Gaano man kabigat ang makabangga, ipinaglaban kung ano ang tama at makatarungan.
Sa halos apat na taon, nakulong si Senator Leila dahil lamang sa mga gawa-gawang paratang, na magpasahanggang ngayon, ay wala pa ring maipakita ang rehimeng ito ni katiting na matibay na ebidensya.
#PANOORIN: Alamin kung bakit tinawag si Senator Leila na “prisoner of conscience”.