Ginoong Pangulo, tantanan po ninyo ang mga bata!
Huwag ninyo silang idamay sa inyong kapritso. Pati ba naman inosente nilang kaisipan, lalasunin ninyo ng adiksyon ninyo sa karahasan at panlalait sa kapwa?
Malinaw sa mensahe ni Ginoong Duterte sa mga Boy Scouts na gusto niyang magpatuloy ang kultura ng mga pagpatay sa bansa, at tuluyan nang mawala ang pagrespeto sa buhay at karapatang pantao.
Ang dapat ituro sa mga bata ay ang pagmamahal sa kapwa at ang pananaig lagi ng katwiran, katotohanan at katarungan.