On World Habitat Day, De Lima urges gov’t to uphold people’s basic right to decent housing

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Opposition Senator Leila M. de Lima has urged the government to provide a clear and comprehensive plan to ensure decent housing for Filipinos, especially now that more people are at risk because of the adverse impact of COVID-19 pandemic.

In an event organized by urban poor groups led by Housing Rights Advocates on the occasion of World Habitat Day today (Oct. 5), De Lima stressed that the government needs to be more aware that the challenges brought about by the pandemic is not only limited to health concerns.

Alam kong lahat tayo ay dumadaan sa matinding pagsubok dahil sa hamon na dala ng pandemya. Sa isang iglap, pinaliit ng COVID-19 ang espasyo na ginagalawan natin. [P]ero hindi lang espasyo ang pinaliit ng pandemya, kundi maging mga oportunidad para gumanda ang kalagayan ng mga Pilipino, ng mga maralita at manggagawa, lalo sa usapin ng kabuhayan at paninirahan,” she said.

Isa itong dagok na hindi lang sa kalusugan ang tama, dahil malalim din ang tama sa bulsa, sa tiyan, sa isip at sa buong pagkatao nating lahat. Masakit makita na namamalimos na ang ilan sa mga padre de pamilya at lumuluhod para magmakaawa ng ayuda ang mahihirap na kailangan ng agarang tulong,” she added.

De Lima, Chairperson of the Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, said that in making plans and policies, the government should always consider the plight of the marginalized sectors of the society and those who do not have stable income.

Ngayon mas kailangan ng malinaw na plano at solusyon mula sa gobyerno. Sa ganitong sitwasyon dapat matino ang paggasta sa pondo ng bayan at nakaprograma ang mga ayuda sa mahihirap, na hindi lang sa anyong relief goods kundi pati sa mga subsidy,” she said.

Ngayon din dapat hindi nag-iimbento ng kung ano-anong buwis na tatama sa mahihirap. Ngayon dapat inaalis ang mga pabigat at patong-patong na penalties sa amortisasyon at mga pangunahing serbisyo. Ngayon dapat walang demolisyon lalo na kung walang relokasyon, sa lupa man ng gobyerno o ng pribado,” she added.

During these trying times, De Lima said the Filipinos need a competent President who cares for his people, stating: “Ngayon dapat may Pangulo na ipinararamdam sa mga Pilipino na malalampasan natin ito at isang bangka tayong sasagupa sa malalaking alon ng pagsubok na hatid ng pandemya. Higit sa lahat, ngayon dapat may gobyerno para sa mahihirap. Pero nasaan?”

Amid the ineptitude of the present administration, De Lima reminded housing rights advocates and urban poor groups to continue working together to help provide better and more opportunities for poor families to live in decent houses.

Patatagin ninyo ang inyong kompiyansa at tiwala na matutupad ninyo ang inyong pangarap para sa isang tiyak at maayos na paninirahan. Dahil kung lumiit man ngayon ang espasyong inyong ginagalawan dahil sa pandemya at naglaho ang mga oportunidad sa pabahay mula nang maupo si Duterte, may katapusan ang krisis at walang habambuhay sa Malakanyang. Kaya kapit lang, malalampasan din natin ito!,” she said.

De Lima, a social justice and human rights champion, principally authored Republic Act No. 11291 or the “Magna Carta of the Poor” which guarantees the rights of the poor to adequate food, decent work, relevant and quality education, housing, and the highest attainable standard of mental and physical health. 

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.