Alam naman nating lahat na di totoo ang mga paratang laban kay Senator De Lima. Lumalabas na ang ginagamit nilang mga testigo ay dapat maging akusado rin pala.
Mga testigo laban kay De Lima, kanya kanyang akusasyon laban sa isa’t isa
Dalawang testigo ng gobyerno laban kay Senator Leila de Lima ang nag-aakusa sa bawat isa na sangkot sa drug trade sa loob ng Bilibid.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng kaso sa korte, naipakitang ang mga testimonya ng mga testigo ay nagpapakitang involved pala sila sa drug trade.
Kinumpirma ni dating Bureau of Corrections OIC Rafael Ragos na idinawit nya si NBI Intelligence Agent Jovencio Ablen Jr. sa drug trade. Samantala, inamin naman ni Ablen noong Marso na nakatanggap sya ng “tara” mula sa mga nakakulong na drug lords na para kay Ragos.
Sina Ragos at Ablen ay parehong under oath na hindi sila sangkot sa drug trade sa Bilibid kahit na pareho silang tumetestigo na nagdala sila ng drug money sa tahanan ng senadora noong 2012.
Ngunit, sinabi ni Ablen na di naging maganda ang relasyon nila ni Ragos matapos syang akusahan nito na nagbulsa ng 1M pesos na Christmas gift para sa dating BuCor OIC.
Noong February 2013, nagsumite ng memo si Ragos kay De Lima para akusahan si Ablen, ang nakakulong na si Froilan Trestiza, at ang dating NBI special investigator na si John Herra na umorder ng 5 kilo ng shabu mula kay Peter Co, isa pang drug convict.
Kinumpirma naman ni Ragos sa hearing na sya nga ang sumulat ng nasabing memo.
Ayon naman kay Ablen, matapos silang magkahiwalay ng landas ni Ragos noong Marso, naghanda na sya ng isang salaysay tungkol sa illegal activities sa Bilibid. Sa nasabing dokumento na ibinigay kay De Lima, wala naman syang nabanggit tungkol sa perang dinala nya sa tahanan ng senadora.
Ayon sa isa sa mga abugado ng senadora na si Filibon Tacardon, ang mga akusasyon nina Ragos at Ablen, maging ang kanilang mga counter accusations, ay nagpapakitang hindi sila karapatdapat na paniwalaan bilang mga testigo dahil sinasalungat din nila ang kanilang mga naunang pahayag na di sila sangkot sa illegal drug trade.
Ipinapakita rin na sila mismo ang nagkaroon ng benepisyo sa paglaganap ng drug trade sa Bilibid.
Sa hearing, sinagot ni Ragos ang mga tanong ng mga abugado ni De Lima. Isa dapat sya sa mga co-accused ngunit ibinasura ang mga kaso laban sa kanya dahil sa pagpayag nyang maging testigo laban sa senadora noong 2017.
Sa nauna nyang testimonya, sinabi nyang sya ang nagdala ng 5M pesos sa tahanan ni De Lima dahil inutusan sya ni Hans Tan, isang inmate sa Bilibid. Ayon sa kanya, tinawagan sya ni Tan para sabihing ang pera ang share ni De Lima sa drug trade ni Peter Co.
Nakita diumano ni Ragos ang black bag na naglalaman ng pera sa kanyang bedroom sa BuCor.
Noong tinanong sya kung inalam nya kung bakit sya binigyan ng bag, sinabi ni Ragos na tinanong lamang nya ang kanyang mga kasamahan kung kanino galing ang bag. Hindi naman daw kakaiba na makatanggap ng mga regalo ang mga taga-BuCor. Hindi rin naman daw nya inimbestigahan ang mga regalong maliit laman ang halaga.
Lumabas sa cross-examination ng kanyang naunang dalawang affidavit noong 2016 na hindi kilala ni Ragos ang taong tumawag sa kanya para mag-deliver ng pera kay De Lima.
Ngunit, iba na ang sinasabi ni Ragos ngayon. Conflicting na ang kanyang mga statements. Importante ang mga sinasabi ni Ragos dahil ipinapakita na di dapat syang paniwalaan.
Ayon naman kay DOJ Senior Assistant Prosecutor Ramonsito Ocampo, ipapaliwanag ni Ragos ang inconsistencies sa kanyang pangatlong affidavit. Ang hearing ng kaso ng senador ay magpapatuloy sa June 28.
Hindi na kapani-paniwala ang mga sinasabi ng mga testigo. Sila-sila mismo ang naglalaglagan. Now, pwede bang palayain na si Senator Leila de Lima para magawa na nya ang sinumpaang tungkulin bilang senador?
Source:
GMA News. (2019, June 14). Witnesses against de Lima had accused each other of drugs involvement. Retrieved from GMA News: Witnesses against de Lima had accused each other of drugs involvement