We are one with our Muslim brothers and sisters in their blessed and meaningful celebration of the Feast of Ramadan.
This occasion culminates a long period of abstinence, sacrifice and discernment in communities that live out their faith and virtues in Islam.
Kasabay ng pasasalamat kay Allah at ng pagtatapos ng Ramadan, dalangin nating magwakas na rin ang kaguluhan sa Marawi at ang pagdurusa ng mga kababayan nating naiipit sa bakbakan at naaapektuhan ng dislokasyon. Ang pagdiriwang na ito ay magsilbi sanang bukal ng pag-asa para sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at hanggang ngayon ay nagsisiksikan sa mga evacuation center, sa mga kapatid nating nagkakasakit at walang tiyak na pagkukunan ng makakain, sa mga nakatatandang higit na nahihirapan, sa mga batang nahinto sa pag-aaral, at lalong-lalo na sa mga nawalan ng mahal sa buhay.
Itigil na sana ng ating mga pinuno ang paghahamon ng higit pang patayan at karahasan, gayundin ang gawing biro lamang ang pagyurak sa ating karapatang pantao.
May the values of devotion and compassion towards our fellow Filipinos guide our leaders and countrymen in pursuing a just and lasting peace in our nation. Alalahanin natin: Ang manalo sa labanan ay hindi sukatan ng tunay na tagumpay, kundi ang pagsiguro ng pangmatagalang kapayapaan at pagtiyak ng magandang kinabukasan para sa lahat. Let us always keep the faith and love for one another as we strive to attain a peaceful, progressive and inclusive future for all generations to come.
Assalamualaikum. Eid Mubarak!