Kaakibat ng pagsapit ng Bagong Taon ang pagbubukas ng pagkakataon para sa bagong simula, pagharap sa mga hamon, at pagbadya ng makabuluhang pagbabago.
Kung babalikan ang nagdaang taon, nagdulot sa atin ng mabibigat na pagsubok ang taong 2018. May mga kababayan tayong patuloy na nagluluksa sa pagkawala ng mga mahal sa buhay dahil sa mga di-inaasahang trahedya. Hanggang ngayon, may mga bagong biktima ng pamamaslang at kawalang katarungan dahil sa karahasan at panggigipit ng pamahalaan. Marami nating kababayan ang lalong kinapos at naghikahos dahil sa mas mataas na buwis at nakakalulang presyo ng bilihin. Isama po sana natin sila sa ating mga panalangin.
Although we may be leaving 2018 behind, the sad truth is, we will still be facing the same challenges this coming year. And if we do not find the courage, will, and strength to change this course, we will suffer more and be afflicted with a worsening crisis of conscience and morality.
This is why I call on our fellow Filipinos, especially the youth, to lead our nation to tangible changes this year—to put an end to violence and impunity through our unified call for justice, and our common commitment to protect human rights and value human lives. To stop the blatant lies that poison and corrupt the moral fiber of our people by speaking truth to power. To fight tyranny by upholding the rule of law and standing up for our democratic principles.
Let us remember: 2019 will be a crucial year and an opportunity to change how we do things in government and in our society. In a few months, we will decide who will be leading us for another term. Let us scrutinize leaders on how they fulfill their duties, how they influence our youth, and choose those who deserve our trust.
Sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga kabataan: Higit kanino man, malaking papel ang gagampanan ninyo para mabago ang landas na tinatahak ng ating bansa ngayon. Patuloy ko pong dalangin ang ating tuluyang pagkamulat at maigting na pagbubuklod para maitaguyod ang isang masagana at makatarungang bansa, hindi lamang ngayong bagong taon, kundi maging sa mga susunod na dekada at henerasyon.
Isang ligtas, mapayapa at makahulugang Bagong Taon po sa ating lahat!