MENSAHE PARA SA PISTA NG NUESTRA SEÑORA DE SALVACION

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Isang malugod na pagbati sa lahat ng bumubuo sa Aurora Light Bringing Association ng South Aurora, Brgy. South Centro, Sipocot, Camarines Sur at sa mga kapwa ko Bicolano sa pagdiriwang ng inyong piyesta sa ngalan ng ating Nuestra Señora de Salvacion.

Napakarami pong hamon at pagsubok na dumarating sa ating buhay, bilang indibidwal man o bilang isang bayan. Lubos po tayong nagpapasalamat sa gabay at pagmamahal ng ating Panginoon at ng Mahal na Birheng Maria upang malampasan at mapagtagumpayan ang mga ito. Bilang mga tapat na tagasunod ng Panginoon, tungkulin po nating isabuhay ang Kanyang mga dakilang aral, magmalasakit at magbukas-palad sa ating kapwa, lalong-lalo na sa mas nangangailangan ng kalinga.

Sa inyo pong pakikiisa at pagtitiwala, nabigyan po ako ng pagkakataong higit na makapaglingkod sa sambayanan. Bilang Senador, makakaasa po kayong hindi ko sasayangin ang ipinagkaloob ninyong mandato. Ngayon at sa mga susunod na taon, nawa’y patuloy kayong makibalikat sa pagtupad ng kolektibo nating hangarin: ang isulong ang katarungang panlipunan, labanan ang katiwalian, at pangalagaan ang karapatan ng ating mamamayan.

Wala pong duda: Sa pagpapala at pag-ibig ng ating Panginoon, sa ambagan at malasakit ng Pilipino sa kapwa Pilipino, walang pagsubok na hindi natin kayang lampasan, walang pangarap na hindi natin kayang makamtan.

Minamawot ko kamo ning sarong maogma asin matuninong kapistahan ning Mahal na Birhen de Salvacion. Dios mabalos!    

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.