Ngayong Kapaskuhan, dalangin natin na maibsan ang mga dinadanas na hirap ng ating mga kababayan, malampasan ang mabibigat na hamon na ating pinapasan, at makamtan ang ating mga hangarin at dalangin.
With the different challenges we face, I pray for the continued strength, unity and compassion of all Filipinos. Despite the darkness that besieges our nation, let us hope that better things will come. Let not the rottenness of Philippine politics dampen our spirit of resilience and collective will to overcome all adversities.
I pray for our leaders to embody the teachings of Jesus Christ who selflessly gave His life for the welfare of His flock. Let us use the mandate, trust and opportunity given to us by the people to ensure that the marginalized and vulnerable sectors of society are not overlooked and neglected, but are given the chance to become equal partners in nation building, upholding social justice and preserving our democracy and cherished freedoms. That we use these means not for selfish interests, but to truly serve. Let us listen to one another instead of constantly bickering for the sake of the people we swore to protect.
Imulat din sana natin ang sarili sa katotohanan upang higit na maunawaan at makatulong sa mas nangangailangan ng kalinga, at makaambag sa pagtataguyod ng solusyon sa mga hamon na hinaharap ng bayan. Humugot tayo ng lakas at inspirasyon sa mga kapwa natin na sa kabila ng dinadanas na pagsubok at pighati, ay nakukuha pa ring ngumiti at pinipiling gawin ang tama at makabubuti para sa kapakanan ng higit na nakararami. Maging inspirasyon sana natin ang bawat batang nagsisikap at nangangarap, na balang araw ay makakaahon sila sa hirap at makararanas ng maginhawang bukas ang kanilang pamilya.
Sa kabila ng lahat, maipagdiwang sana natin ang Pasko nang matatag ang loob, at buhay ang pag-asa. Na sa kaarawan ni Hesukristo, at sa araw-araw Niyang kaloob sa atin, lagi nawa tayong manalig, at magtiwalang mananaig ang malasakit, positibong pananaw at pagpapahalaga sa buhay, karapatan at dignidad ng kapwa.
Isang maligaya at makabuluhang pagdiriwang po ng Pasko sa ating lahat!