MENSAHE PARA SA LINGGO NG PAGKABUHAY

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Isang makahulugang Pasko ng Pagkabuhay sa ating lahat!

Ginugunita po natin ngayong araw ang isa sa pinakamahalagang pagdiriwang ng Kristiyanismo–ang muling pagkabuhay ni Hesukristo matapos ialay ang Kanyang buhay at tubusin ang kasalanan ng sanlibutan. Kaakibat ng Kanyang pagbangon sa kamatayan ay ang pagkakataong makamtan natin ang buhay na walang hanggan.

Sa pagkapako sa krus at pagkamatay ni Hesus, nabalot ng kadiliman at kawalan ng pag-asa ang mga nananalig sa Kanya. Sa pagkabuhay Niyang muli, hindi lang tayo naiadya sa kasalanan, nabuhayan din tayo ng pag-asa at napatibay ang ating pananampalataya.

Sa panahong nababalot muli ng kadiliman ang ating bayan at hinahamon ang ating paninindigan, alalahanin sana natin ang aral ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Sa harap ng mga pasakit at panggigipit ng nasa kapangyarihan, sa kabila ng pag-alipusta sa Kanyang pagkatao, hindi isinuko ni Hesukristo ang Kanyang paniniwala. Pinili niyang magpakumbaba, ipaglaban ang katotohanan, at manalig sa Amang nasa langit.

Naniniwala akong hindi magkakaloob ng pagsubok ang Panginoon na hindi natin kayang harapin. Hangga’t buo ang ating pananalig, hangga’t may malasakit tayo sa ating kapwa, lagi’t laging mahahawi ang madidilim na kabanata, at makakamit ang isang maliwanag at mapayapang kinabukasan.

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.