MENSAHE PARA SA ELEKSYON 2019

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Sa nakalipas na halos tatlong taon, nasaksihan natin ang malalagim at mararahas na pangyayari sa ating bansa.

Araw-araw na patayan. Pamamaslang at panggigipit sa mga maralitang “nanlaban”.  Pagpapakulong at pagsasampa ng imbentong kaso laban sa mga kritiko. Paniniil sa media. Pambabastos sa Simbahan. Pagbabanta sa buhay ng mga Obispo at kaparian.

Dagdag pa rito ang pamimigay ng ating teritoryo sa Tsina, pati na ng libo-libong trabaho dito sa mga dayuhang Tsino.

Malinaw po: Kulang ng matapang manindigan sa gobyerno ngayon. Kulang ang mga boses para sa katarungan at katotohanan sa ating mga institusyon. Marami ang takot mapag-initan at pinipiling magsunud-sunuran lang para manatili sa poder.

Nananawagan po ako: Ang eleksyon ay hindi panahon para matakot, lalong hindi para sumuko. Ito ay pagkakataon para ipakita ang lakas at kapangyarihan ng taumbayan na patibayin ang demokrasya at ibalik ang dangal ng ating bansa.

Reject the liars, the corrupt, and the plunderers! Reject those who would just meekly surrender their principles for power’s sake. Stop the killings by voting for candidates who are not afraid to speak up and stand up for human rights and civil liberties.

Together, let us pray for a fair and peaceful elections. Let us vote according to our conscience. Let us hope for the victory of those who would go beyond lip-service—leaders who are genuinely committed to protect human rights, uphold honesty in governance and defend our sovereignty.Isang ligtas, mapayapa, at makahulugang halalan sa ating lahat.

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

[email protected]

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.