MENSAHE PARA SA ARAW NG MGA INA

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Bilang ina, napapawi ang anumang hirap at sakripisyo, masaksihan lang natin ang ating mga anak na masaya at nasa maayos na sitwasyon. Sapagkat pagsubok din natin ang kanilang pinagdadaanang pagsubok. Tagumpay din natin ang kanilang tagumpay.

This is why receiving the good news about the passing of my son, Vincent Joshua, in the 2019 Bar Exams was my happiest day in more than two years. Indeed, a glorious day for me and my family.

I thank God for His continued blessings and guidance.

My heartfelt thanks also to all who have always been there beside us–to our loved ones, colleagues, friends, and supporters who stand by my innocence, to those who shared their joy when my Mom visited me last December, and expressed their dismay when the Court denied my request to attend my son’s graduation. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

Hangad din po nating mga magulang na tiyakin na maganda ang magiging kinabukasan ng ating mga anak, at ng kanilang mga anak. Kaya naman nakadudurog po ng puso na makita ang mga larawan ng mga inang naghihinagpis sa pagkamatay ng mga anak nilang nadamay sa palpak na War on Drugs. Hindi ko nga po maiwasang isipin: Ilan kaya sa mga inosenteng bata na ito ang pinangarap na balang araw, maging isang doktor, pulis, piloto, inhinyero, o maging isa ring abogado? Ilan sa kanila ang pinangarap na balang-araw, sila ang mag-aahon sa kanilang pamilya mula sa kahirapan?Bukas, araw na ng eleksyon. Haharap tayo sa sangandaan na magtatakda ng magiging kapalaran ng ating bansa sa mga susunod na taon. Sana po, bilang mga kapwa ko ina, mga kapwa ko babae, mga kapwa ko anak, lalo na, bilang mga kapwa ko Pilipino, piliin natin ang mga pinunong totoong gagabay sa atin tungo sa isang disente, makatarungan at maginhawang bukas para sa mahal nating Inang Bayan.

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.