MENSAHE PARA SA ARAW NG MGA BAYANI

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Sa atin pong kasaysayan, lagi’t laging nababalikan ang mga yugtong humubog sa ating diwa bilang mga Pilipino at nagbigay-daan sa ating kalayaan. Kasama dito ang mga kabanata ng pagkadapa at pagbangon, gayundin ang aral na dulot ng pagkakanya-kanya at sama-samang pakikibaka.

Hindi po natin malilimutan ang mga bayani nating nagmarka sa ating kasaysayan, silang sa mga panahong nangingibabaw ang pananahimik o pagiging manhid dahil sa takot at karahasan, ay piniling tumindig at maging tinig para sa mga naaapi at naghahangad ng katarungan at kalayaan.

Today, we pay tribute to our known and unsung heroes, those who led us to reclaim our sovereignty from foreign colonizers; to individuals who stood up and defended our rights and liberty, and to our countrymen who courageously fought tyranny and oppression. And to truly honor their contributions that secured us a better future, it is our obligation to protect the freedom we inherited through their blood and sacrifice.

Unfortunately, this is not what we are witnessing right now. It seems that the new normal for the current regime is to reward villains and crooked individuals, while those who seek truth and justice are persecuted.

Pinapalaya ang mga kriminal at ipinakukulong ang mga inosente at lumalaban sa kabuktutan ng pamahalaan. Marami nang bata ang pinatay ng War on Drugs at daan-daan na rin ang namamatay dahil sa epidemya ng dengue; unti-unti na naman tayong sinasakop ng dayuhan, inaangkin ang mga trabaho para sana sa mga Pilipino, pero ang gobyerno, inuuna pa ang paninisi at panggigipit sa mga kritiko at nagsasabi ng katotohanan.

Hindi po ito ang bukas na inasam ng ating mga bayani. Kaya naman patuloy kong dalangin at panawagan na magising na tayong muli at buhayin ang diwa at prinsipyong ipinaglaban nila para sa atin: ang malasakit sa kapwa Pilipino at panunumbalik ng dangal ng Pilipinas sa mata ng buong mundo.

LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame

26 Agosto 2019

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.