MENSAHE NG PAKIKIISA SA PAGDIRIWANG NG IKA-33 ANIBERSARYO NG EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Sa nakalipas na mahigit dalawa’t kalahating taon ng rehimeng Duterte, ang mga hinaharap nating problema ng bayan—trapiko, mahal na presyo ng mga bilihin, mababang pasahod, talamak na korupsyon at kawalang hustisya—ay hindi pa rin masolusyunan, sa halip, lalo pang lumalala.

At para maitago ang kanilang kapalpakan, inililihis nila ang usapan gamit ang mga kasinungalingan, ang panggigipit sa mga kritiko, sa media, sa mga pari, sa pagpatay ng mahihirap, pagpapakulong, at ngayon, sa pagpapatanggal ng scholarship ng mga estudyante.

Makukuntento na lang ba tayo sa ganito? Ano nga ba ang napatunayan ng gobyerno ni Duterte maliban sa pagiging Pangulong payaso, diktador at sinungaling?

Tomorrow, I will be marking my second year of most unjust and illegal detention. Two years of injustice, continuous political persecution, and violation of my rights to fully serve the mandate given to me by the Filipino people. Until now, even after repeated demands by local organizations and the international community, this vindictive government continues to ignore the calls to release me.

Mabuti na lamang at marami at dumarami pa ang naniniwala at sumusuporta sa akin. Salamat sa inyong lahat. Sa mga dumadalaw, nagpapadala ng mensahe ng pakikiisa, at mga nagsusulat, kasama na ang gumagawa ng #LoveLettersforLeila, tanggapin niyo po ang aking pasasalamat. To all our allies, supporters and fellow human rights defenders all over the world, including those in the Global Campaign for the Philippines, my utmost gratitude for putting a spotlight on my case and the general situation of our country.

Sa panahon pong ito na nagbibingi-bingihan ang gobyerno, hindi na sapat lamang ang maging mulat sa katotohanan. Kailangan din nating makinig sa hinaing ng kapwa, kumilos para mamulat pa ang iba, at tumugon sa panawagang ipaglaban ang ating mga karapatan. At isang kongkretong paraan ang nasa harap natin ngayon—ang pagboto. Sa darating na Mayo, iboto natin ang may diretsong paninindigan, ang may diretsong mga sagot sa mga suliranin ng ating lipunan—hindi iyong umiiwas na humarap sa publiko, bali-baliko ang mga argumento at idinadaan sa katatawanan ang tugon sa hinaing ng taumbayan.

Sama-sama, ipagdasal natin ang ating bansa. Buong loob na kumilos para ipamalas ang lakas ng People Power at bumoto para sa kinabukasan ng ating minamahal na bayan.

Mabuhay ang diwa ng EDSA! Mabuhay ang demokrasya! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.