Manindigan para sa Demokrasya, Katarungan, at Pag-asa

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

On Akbayan Citizen’s Action Party 7th Regular Congress

Social Hall, Cebu Provincial Capitol
Capitol Road, Cebu City

16 April 2018

Maraming salamat po sa imbitasyong maging bahagi ng makahulugang pagtitipon na ito para pag-usapan at harapin ang mahahalagang isyu sa ating lipunan.

Maraming salamat sa Akbayan Citizen’s Action Party, lalo na sa inyong liderato at mga miyembro. Sa lahat ng panahon, lalo na sa madidilim na kabanata ng ating kasaysayan, pinatunayan ninyong lagi kayong nasa panig ng mamamayan; kasamang nakikipaglaban para sa demokrasya, katarungan, at katotohanan. 

Kaya naman tiwala ako na sa pagtitipong ito, higit pang mapapalakas ang ating tinig at pagkakaisa para labanan ang mali, panagutin ang tiwali, at makapaglatag ng makabuluhang solusyon sa mga problema sa ating bansa.

Napakarami nga pong suliranin ang dapat tugunan sa ating bayan. Pero ang napakalaking problema po ay ang magkaroon ng isang Pangulo na nagbubulag-bulagan sa mga tunay na isyu, at walang gustong pakinggan kundi ang sarili lamang.

Duterte’s actuations have exposed his true nature. Isa siyang tunay na TRAPO. A dictator, concerned only about his own interest and political survival.

He wants us to believe that he hates corruption, but just look who his allies are and you will see that his words are filled with lies, hypocrisy, and duplicity.

He allowed his allies who are involved in corruption to be freed,  intends to turn the mastermind of the PDAF scam into a state witness, and cleared his fraternity brods, relatives, and even self-confessed  high profile drug lords of crimes.

These only prove that his War on Drugs is fake, and that Filipinos are being taken for a ride.

Lahat ng tingin niyang tutol sa kanyang kapritso, pinababagsak niya. Una nga po akong ginawang halimbawa. Sumunod si Ombudsman Conchita Carpio Morales. At ngayon naman, si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Duterte’s style: Attack the credibility of someone by spreading fake news, use his allies to push that person to the wall, and stealthily order for his or her removal or arrest.

Matapang kapag nakikipag-away sa mga babae. Matapang kapag nagbabanta sa mga kalaban sa politika. Matapang sa paghahamon dahil ginagamit niya ang buong makinarya ng gobyerno para matupad ang pansariling interes.

But when confronted to answer the corruption issues being thrown at him and his family, or criticized for his crooked policies, he will divert the issue by cursing his critics or by spewing out insensitive, racist and derogatory jokes.

As I said in my statement on his threat to arrest the International Criminal Court (ICC) investigators, all his previous dares to the ICC Prosecutor to investigate and prosecute him, and upon conviction, turn him over to a firing squad, are now revealed as nothing but false bravado.

Nasaan ang tapang mo? Ipinag-utos mo na ngang kumalas ang Pilipinas sa ICC, ngayon naman sisindakin mo pang arestuhin ang mag-iimbestiga rito.

Also, Duterte professes to be pro-poor. He in fact used the poor in propelling himself to power.

Pro-poor ba kamo? Pero pinapatay ang mahigit 20,000 na mahihirap? Pinagmumura ang mga kapus-palad at sinabing hayaan silang mamatay sa gutom. Ipinatupad ang bagong batas na dagdag pasanin lalo na sa mga isang kahig, isang tuka nating kababayan. Ngayon naman, ang pagpapasara sa Boracay kung saan marami ang mawawalan ng kabuhayan.

Tatak Duterte. Walang maayos na plano. Walang pakialam sa epekto sa mahihirap. Kahina-hinala ang motibo, lalo pa’t may planong magpasok doon ng mga Chinese casino.

Seryoso po nating tinututukan ang kapakanan ng mahihirap nating kababayan. Not just because they are the usual targets of EJK’s and anti-poor policies of this regime, but also because their plight has long been neglected by authorities.

Sila po ang dahilan kung bakit tayo nasa posisyon. Pero naaalala lamang sila kapag eleksyon. Pinaasa ng pagbabago, pero puro panloloko ang ginagawa ng kasalukuyang gobyerno.

Malapit na naman ang halalan, at siguradong marami na namang politiko ang pumuporma para mangako ng pagbabago.

Sa halip na walang habas na dahas at pagpatay, tutukan at tugunan dapat ng gobyernong ito ang usapin ng kabuhayan, hanapbuhay, mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng supply ng murang bigas, pabahay—mga serbisyong kailangan para mamuhay nang may dangal ang mga Pilipino, sa halip na maitulak sila sa kumunoy ng kahirapan.

Tama na ang mga pangakong 3 to 6 months na wala namang katotohanan at pinatutunguhan. Tama na ang pagtatapang-tapangan na wala namang katuturan. Magtrabaho na lang sana ang gobyernong ito.

Tandaan natin: May hangganan ang lahat. Hindi habambuhay na malilinlang ang sambayanan.

Ang hamon at panawagan sa ating lahat: Patuloy lang tayo sa pagbibigay boses sa mga nasa laylayan. Patuloy lang tayo sa pagtataas sa antas ng pampublikong diskurso. Patuloy lang tayo sa pagsingil sa gobyerno ng mga ipinangako nitong pagbabago, at pagiging katuwang ng Pilipino sa isang makatarungang kinabukasan.

Muli, maraming salamat po, at isang makabuluhang pagtitipon po sa inyong lahat.

Mabuhay ang Akbayan!

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

[email protected]

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.