“Laban para sa Dangal at Karapatan ng Kababaihan”

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

On SHEROES’ Woman’s Night to celebrate the International Women’s Month

AS Steps, UP Diliman, Quezon City

8 March 2018

Magandang gabi po sa inyong lahat.

Isang napakahalagang pagtitipon nga po ito para ipagdiwang ang buwan ng kababaihan na ipinagdiriwang din ngayon sa buong mundo. Isang karangalan po ang maipaabot ang aking mensahe sa inyong mga narito ngayon.

Dumaan po tayo sa yugto ng kasaysayan kung saan naisantabi ang karapatan at kapakanan ng kababaihan. Ngunit sa paglipas ng henerasyon, sa pagdating ng modernong panahon, kinilala ng mundo ang kakayahan at ang tayog ng kayang marating ng kababaihan sa lipunan. Ipinakita nating mga babae: kaya nating makipagsabayan, mamuno, at manguna sa kahit anumang propesyon o larangan.

Sa kabila ng mga napatunayan natin at nakamit na tagumpay, mayroon pa rin tayong mga pinuno na matataas na nga ang tingin sa sarili, ay ibinababa pa ang kalagayan ng kababaihan. Silang mga sinusukat ang pagkalalaki sa pambabastos sa babae; silang mga walang konsensyang isinasantabi ang ating mga karapatan para lang sa katatawanan; silang walang pinagkatandaan, na ang mahalaga lang ay ang manatili sila sa posisyon at maging sunud-sunuran sa nasa kapangyarihan.

Ano nga ba ang aasahan kung ang mismong pinakamataas na pinuno ng bansa ay walang galang sa babae? Sinumang tumutol, o magtangkang lumaban sa baluktot na patarakan, ay ipinakulong, sinisiraan, at gustong tanggalin sa puwesto.

Hindi ito nakakatawa. Hindi ito katanggap-tanggap. Lalong-lalo na, hindi ito dapat magtagal. Kung inaakala nilang matatakot tayo sa ginagawa nila, nagkakamali sila. Lalo lang lumalabas ang totoo, na ang ganitong mga klaseng tao ay takot sa mga babae—sa mga babaeng may paninindigan, at hindi umaatras sa laban.

     This is not my fight alone. This is a fight for every woman. This is a fight for every decent Filipino. Let us not allow fear or shame to silence us because anyone can be a victim of this cruel regime.

Let us not allow our leaders, especially the highest official of the country, to encourage the blatant cursing and shaming of women to incite violence against them, and to reinforce the climate of fear and impunity that many of us go through. Stop the abuse! Stop the oppression!

We have proven to be resilient, strong and unbreakable. We can adapt and find ways to overcome difficult challenges. We should fight for our rights. We should speak and break free from stereotypes. Let us show our capacity to contribute in building a just and decent society for our future and for the generations to come.

Muli, magandang gabi po, at maraming salamat. 

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.