Ako ay taimtim na nananalangin para sa kaligtasan ng aking mga kababayan na ngayon ay dumadaan sa pagsubok na dala ng Bagyong Quinta.
Mag-ingat po ang lahat at manatiling matatag.
Gaya ng mga nagdaang hamon, ang ating pagtutulungan at kahandaan na saklolohan ang isa’t isa ang ating unang sandata.
Dalangin ko rin ang katatagan ng ating mga LGUs at iba’t ibang mga organisasyon na ngayon ay nasa frontline para tumugon.
Sa tabang kan Mahal na Dios asin ni Virgen de Peñafrancia, kaiba kan satong pagkaburunyog, matindog kita na mas makusog asin malalampasan ta ining pinag-agihan kan satong banwaan. ###