I was happy to receive the news that Reina Nasino was granted a three (3)-day furlough to attend the wake and burial of her three-month-old daughter, Baby River, only to be informed later that it was opposed by the Manila City Jail Female Dormitory due to lack of personnel.
Ano ba naman yan! Kailangan ba ng isang batalyon para bantayan ang isang 23-taong gulang na ina, na labis-labis ang pagluluksa, at walang ibang nais kundi ang makita lamang ang kanyang pumanaw na sanggol at makasama nang mas matagal ang pamilya?
Ipinagkait na kay Reina ang napakahalagang pagkakataon na maaruga’t mahagkan ang anak nang nabubuhay pa. Pati ba naman ngayon, kahit sa huling pagkakataon na magkapiling silang mag-ina, lilimitahan pa? Napaka-walang puso!
Paki-check naman kung may natitira pa kayong konsensya.