I support my colleagues in the Senate in urging the DOLE to present a comprehensive and long-term plan for our 478,839 OFWs affected by the COVID-19 pandemic.
Halos kalahating milyon. Iyan ang nakapanlulumong bilang ng OFWs nating nawalan ng trabaho. Habang marami ang napilitang umuwi ng Pilipinas, mayroon namang piniling makipagpatintero sa virus sa ibayong dagat.
Hindi natin sila masisisi lalo pa’t marami sa mga pinabalik dito ay wala pa ring tiyak na trabaho at hindi pa nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Kabilang na nga sila ngayon sa mga kababayan nating pinaghihintay na lang ni Duterte sa bakuna at lantarang ipinagkakanulo sa Tsina.
Our call is for this government to prioritize the health, safety and well-being of the Filipinos – not the pockets of corrupt officials nor the evil plot of any foreign power. At utang na loob, kung magkaplano man, huwag kagaya ng palpak at bara-barang Balik-Probinsya Program. Dapat may malinaw na mga programa para sa kalusugan at kabuhayan para sa ating mga kababayan. Please naman…###