Dispatch from Crame No. 926: Sen. Leila M. de Lima on the Dire Straits of Fishermen under Duterte’s Regime

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Kahit pa sabihing hindi dolomite sand ang sanhi ng fish kill sa Baseco, hindi masisisi ang mga mangingisda na magduda at masaktan sa nangyari dahil hanapbuhay nila ang napinsala. At sa pagkalaki-laking ginagastos sa Manila Bay, walang nakalaan ang gobyerno para sa kanila. Hindi sila kasama, dahil para sa Instagram Project ng gobyernong Duterte sa Manila Bay, hindi Instagrammable ang mga mangingisda!

Hindi importante ang kabuhayan nila, kaya okay lang din sa gobyernong payagan ang kaliwa’t kanan at mapanirang reclamation project sa Manila Bay.

Gaya ng wala ring pakialam si Duterte kahit na itinataboy at binubundol ang mga mangingisda natin sa Scarborough Shoal.

At tutal marunong naman daw lumangoy ang mga mangingisda, bahala na rin sila mag-survive sa gutom kasi busy pa si Duterte na paramihin ang negosyo ng mga Chinese sa bansa at akitin ang mga turistang Chinese sa kanilang palitadang buhangin sa Manila Bay.

‘Di bale nang marumi ang tubig at hindi maliguan, o mawalan ng ikabubuhay ang mga mangingisda, o waldasin nila ang pondo ng bayan sa gitna ng pandemya, basta lang may white sand para sa kanilang Instagram Project.

Shame to this regime that makes Filipinos who have less in life suffer more! ###

(Access the handwritten version of this Dispatch at: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._926)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.