Ano na naman itong pinalulutang na no elections sa 2022? Kunwari pa silang nag-aalala sa kaligtasan ng Pilipino, eh halata namang gusto lang nilang pahabain ang kanilang termino.
If other countries such as South Korea were able to hold their elections amid the pandemic, why can’t we do the same when we have more time to prepare?
Instead of floating a No-El scenario, why not focus on finding ways to ensure the safety and success of the 2022 elections? At kapag sinabi nating safe, kasama na riyan ang pagiging ligtas sa pandaraya at pakikialam ng mga bayaran, basura at dayuhang troll.
Sobrang kapalpakan na kung mahigit isa’t kalahating taon mula ngayon, nagkukumahog pa rin itong administrasyong Duterte sa pagtugon sa pandemya.
Ito na nga lang ang pagkakataon ng mga tao na panagutin at palitan ang mga pinunong palpak, ipagkakait pa nila? Ang kakapal talaga ng mukha!
Akala ko ba sabi ni Duterte may bakuna na sa Disyembre? Mukhang ibang bakuna ang kailangan natin sa Pilipinas, bakuna laban sa pagkahumaling sa kapangyarihan. ###