Unbelievable! This Ombudsman is undermining his own office.
If Ombudsman Martires is averse to the disclosure of SALNs and lifestyle checks, how does he intend to fulfill his mandate?
Nakakabahala at nakakamangha ang desisyon ni Ombudsman Martires na ipatigil ang pagsilip sa SALN at ang pagsagawa ng lifestyle check sa mga opisyales ng gobyerno.
Binaliktad ni Martires ang mandato ng Ombudsman. Imbes na protektahan niya ang sambayanan mula sa pandarambong ng mga opisyales, nais pa niyang protektahan ang mga opisyales mula sa transparency at accountability. Sa buong kasaysayan ng Ombudsman, ngayon lang nangyari na ginawang napakadali ng Ombudsman ang pandarambong sa gobyerno.
Simple lang naman ang mandatong nakalagay sa Konstitusyon at sa batas. Ang public office ay public trust. Kasama nito ang obligasyon ng transparency at accountability dahil pera ng sambayanan ang nanganganib na makulimbat kung susundin ang takbo ng utak ni Martires. Para na ring idineklara ni Martires ang open season sa pagnakaw sa gobyerno.
Kung hindi sila handang mabusisi ng publiko ang kanilang taglay na kayamanan, umalis sila sa gobyerno. If you cannot stand the heat, get out of the kitchen. Mauna na dapat si Martires para mapalitan na siya ng isang Ombudsman na totoong mangangalaga sa kapakanan ng taumbayan, imbes na kampihan pa ang mga tiwali sa pamahalaan.
Hindi ang pagbuwag sa Office of the Ombudsman ang kailangan, kundi ang pagbibitiw o pagpapatalsik sa Ombudsman mismo. ###
Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 919, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._919