Dispatch from Crame No. 900: Sen. Leila M. de Lima’s Statement on Duterte’s Refusal to sanction Chinese companies doing reclamation in WPS

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Gaano pang pang-aabuso ang kailangan nating maranasan mula sa China bago natin ipaglaban ang ating teritoryo?

Iyan ang tanong ng ating mga kababayan matapos nating marinig mula kay G. Duterte na hindi niya babawian ng kontrata ang mga Chinese companies na gumagawa ng artificial islands para sa China sa West Philippine Sea.

Ilang pang-aabuso na ba ang naranasan ng ating mga mangingisda sa kamay ng mga Chinese sa sarili nating dagat? Bakit agad sumunod si G. Duterte sa China nang pagbawalan nila tayong sumama sa military exercises kasama ng ibang bansa sa West Philippine Sea? Bakit kapag West Philippine Sea ang pinag-uusapan ay tila napakadaling isuko ni G. Duterte ang ating karapatan sa China?

Ngayon naman ay para bang ginagantimpalaan pa natin ang mga kompanyang kasangkot sa pagkamkam ng China sa ating teritoryo. Ang lakas pa ng loob ni Harry Roque na magsabi na hindi tayo teritoryo ng Amerika kaya hindi tayo susunod sa kanilang polisiya. Pero sunud-sunuran naman ang amo nyang si G. Duterte sa China sa kabila ng patuloy na pang-aabuso nila sa bayan natin.

What is the price of this treachery? Why must we reward these Chinese firms expensive contracts paid for by our people’s money when they do not respect our sovereign rights over our seas? How much longer must we kowtow to Chinese interests?

There are sufficient grounds to void our contracts with firms which are threats to our national security and our territorial integrity.

Handang ipaglaban ng ating diplomatic corps at ng ating mga sundalo ang ating teritoryo sa kahit paanong paraan na hindi naman kailangang humantong sa digmaan. Ang ating mga kapitbahay dito sa Asya at ang international community ay kumikilala sa ating claim sa West Philippine Sea. Si G. Duterte na lang at ang kaniyang mga tagasunod ang paulit-ulit na pikit-matang pinapaabuso sa China ang ating sariling bansa.

Kung ayaw nilang ipaglaban ang ating kasarinlan at teritoryo ay dapat na silang magbitiw sa kanilang puwesto. Traitors, resign! ###

Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 900, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._900

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.