Today, we remember the courage, patriotism and compassion of our heroes who, during the most challenging and difficult periods in our history, chose to fight for our rights and freedoms, sovereignty and our people’s well-being.
Ngayong panahon ng pandemya, nariyan ang mga nagbuwis ng buhay at patuloy na sinusuong ang peligro para sa kapakanan ng kapwa Pilipino. Nangingibabaw sa ating mga doktor, nurse, other healthworkers, frontliners at volunteers ang kanilang malasakit at dedikasyong makatulong sa nangangailangan.
Ang hamon sa atin: Tiyaking hindi mababalewala ang mga sakriprisyo’t ipinaglalaban ng ating mga bayani. Panagutin ang mga abusadong walang pagpapahalaga sa buhay at dignidad ng kapwa, mga traydor na ipinagkakanulo sa dayuhan ang bansa, at mga tiwaling lalong ibinabaon sa dusa ang mamamayan.
Sa ating mga bayaning Pilipino: isang taas-noong pagpupugay at pasasalamat! ###