Dispatch from Crame No. 893: Sen. Leila M. de Lima on the PNP Chief’s Support for Martial Law in Sulu

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

The nerve of PNP Chief Archie Gamboa to second the motion of the AFP that martial law should be declared in Sulu.

Bakit martial law ang sagot niya, kung ang mga salarin sa pagkalusot ng mga suicide bomber ay ang Jolo PNP na pumatay sa apat na mga operatiba ng AFP, na tumutugis naman doon sa mga suicide bomber na nagpasabog sa pito pang mga sundalo at marami pang sugatan.

Hindi ba ang dapat gawin ay tapusin ang sabwatan ng PNP sa mga teroristang pumapatay sa mga sundalo? Bakit martial law kung ang mangyayari lang sa martial law ay lalong bigyan pa ng kapangyarihan ang mga mismong PNP sa Jolo na halatang kasabwat ng mga terorista?

Masyado na yatang nahuhumaling si Gamboa sa kanyang pagtanggol sa mga Jolo PNP mula pa noong niratrat ng mga ito ang apat na operatiba ng AFP, at hindi na niya makita na ang puno’t dulo ng bagong pagpapasabog sa Jolo ay ang pakikipagsabwatan ng Jolo PNP sa mga suicide bombers.

Hindi martial law ang sagot kung ang mismong kapulisan ng Jolo ang kakampi ng mga suicide bombers. Ang solusyon ay ang pagtanggal sa pwesto at pag aresto sa lahat ng Jolo PNP na kasabwat ng mga teroristang Abu Sayyaf at ISIS.

Dahil sa nangyaring pangbobomba sa Jolo, nakita natin na ang problema ay hindi ang batas laban sa terorismo. Kahit ano pang batas ang ipasa ng Kongreso, kung ang mga terorista ay may mga kasabwat sa mismong kapulisan, walang makakapigil sa kanila na magpasabog ng kaliwa’t kanan dahil mukhang hindi naman hangad ng kapulisan na tugisin sila.

Defeating terror is not a matter of employing more state violence in the form of martial law and an unconstitutional anti-terror law. First and foremost, it is a matter of the state security forces staying loyal to the Philippine flag and protecting the people, NOT the terrorists. To assure this in the present fiasco we find ourselves in, the top officials of the PNP should start accepting responsibility for the inexcusable and deadly actions of their men in Jolo, instead of riding on the martial law solution of the AFP. Unlike the AFP, the PNP is not an aggrieved party here. In fact, they are the cause of the grief.

PNP Chief Gamboa, huwag mo na subukang baligtarin pa ang mundo. Mga pulis mo ang dahilan kung bakit natuloy ng mga terorista ang kanilang planong pangbobomba. Wala kang karapatan ngayon na susugin pa ang panukalang martial law. Kung sinunod lang ng iyong mga tauhan ang batas, imbes na makipagsabwatan sa mga suicide bombers, hindi sana nagkaroon ng pambobomba, at hindi na sana humantong pa ang usapan sa martial law.

Walang magagawa ang martial law kung may mga bantay-salakay sa PNP. ###

(Access the handwritten version of Dispatch from Crame No. 893 here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._893)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.