Dispatch from Crame No. 889: Sen. Leila M. de Lima on Mr. Duterte’s Statement about VP Leni’s Latest Public Address

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

VP Leni’s pandemic-focused public address was for Duterte, a move to destroy the government. Kung salita lang pala ang gigiba sa gobyernong ito, gaya ng paratang ni Duterte sa Bise Presidente, wasak na wasak na ang pamahalaan sa apat na taon pa lang ni Duterte na puros pro-China, kawalanghiyaan, pananakot at kabastusan.

Mr. Duterte, manalamin ka kaya!

The clarity of VP Leni’s thought, the coherence of her action points, and her ability to confront the pandemic with the objectivity of science and pragmatism of common sense, plus her elegance of expression and inspiring presence, are completely different from Duterte’s incoherent, lifeless, delusional and Fentanyl-charged nocturnal press cons. Ito at ang Pluto ang layo!

That is not simply a stylistic difference in governance approach. There’s also a stark difference between a people’s leader and a crisis enabler.

Totoo namang walang nagtitimon ngayon. Sadsad na ang morale at kumpiyansa ng mga negosyante, medical frontliner at taumbayan dahil sa halip na hagisan sila ng salbabida para makaahon, ang solusyon ni Duterte ay hintayin na lang huminto ang pandemya at humupa ang unos. Aabangan niya na lang ang bakuna mula China o Russia habang nakatunganga siya sa Davao.

Bakit kailangan pa ng maraming “Czar”, imbes na nakasentro dapat sa Pangulo ang mga hakbang kontra COVID-19 bilang over-all Czar o Chief Crisis Manager? Malinaw na hindi kaya ni Mayor!

Iyan ang nagwawasak sa gobyerno — kombinasyon ng katamaran at katangahan. At hindi ang mga kongkreto at may — pinagbatayang rekomendasyon ng Bise Presidente.

Idagdag pa na walang ginagawa si Duterte para lutasin ang mga kapalpakan at pangungurakot ng mga mismong appointees niya sa gobyerno. Hay naku! ###

(Access the handwritten version of Dispatch from Crame No. 889, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._889)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.