Eight years have passed but we continue to remember, relive and be inspired by the legacy of a great servant leader, colleague, fellow Bikolano and dear friend—Sec. Jesse Robredo.
Bilang Ama ng Naga City, bilang miyembro ng Gabinete ni PNoy, bilang Pilipino: Hindi kailanman umasa o pinairal ni Jesse ang polisiya ng paniniil, dahas at pananakot. Sa kanyang tsinelas leadership—simpleng pamumuhay, tapat at makataong pamamahala, at lideratong tumatalima sa mandatong kaloob ng mamamayan—ipinamalas niya ang tunay na malasakit at pagpapahalaga sa karapatan at kapakanan ng nangangailangan.
Sa huwaran mong prinsipyo at serbisyo-publikong ipinagpapatuloy ni VP Leni Robredo, taos-puso kaming nagpupugay at nagpapasalamat, Sec. Jesse.