Dispatch from Crame No. 875: Sen. Leila M. de Lima’s Reaction to Duterte’s Militaristic Approach to the Pandemic

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Mukhang matagal nang hindi nakakapagbasa ng Saligang Batas si Duterte. Maaari lamang i-deploy ang militar sa mga sibilyang komunidad kung merong lawless violence, rebellion o invasion. O di kaya’y bahagi ng humanitarian assistance. At ang pagbabantay sa mga sibilyan na parang mga kriminal o rebelde ay hindi maituturing na humanitarian work.

Pero ano pa nga ba aasahan natin sa pangulong ito kung hindi mga utak pulburang solusyon sa mga suliranin na dulot ng pandemya? Walang ibang bukambibig si Duterte kung hindi ang “kanyang” mga pulis at “kanyang” mga sundalo na para bang sarili nyang pera ang pinapasweldo sa kanila.

Again, the problem with our COVID-19 response is a knucklehead President who only knows how to use a hammer, when what is needed is a surgical precision tool. Magiging mas malala ang ating sitwasyon hanggat hindi napapalitan ang pag-iisip ng nasa Palasyo, at hanggat ang tingin nila ay ang mga tao ang problema, at hindi sarili nilang kakulangan at kapalpakan.

Paraan din lang ito ni Duterte na ipakita na kunwari ay may ginagawa ang kanyang gobyerno sa pandemya. Pero sa totoo lang wala naman talaga silang maayos na plano at direksyon, at hinihintay lang ang bakuna kuno galing Russia o China. Alam na natin na kapag nahuhuling tulog sa pansitan si Duterte, ang palagi niyang panakip butas ay ang pulis at militar para lokohin ang taumbayan na meron siyang ginagawa kahit wala naman talaga.

It makes him look in charge, to hide the fact that he is actually not in control of the situation, that in fact the situation is out of control, and that he is now at a loss on what to do. Wala nang tapang at malasakit. Puro kabobohan at katamaran na lang. ###

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 875 here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_875)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.