Dispatch from Crame No. 869: Sen. Leila M. de Lima’s Reaction to revelations during PhilHealth Hearing

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Dalawa lang yan: inutil o corrupt. Sa apat na taon na panunungkulan ni G. Duterte at ng kaniyang mga tauhan sa PhilHealth, bakit tila nalimas na ang mga assets nito at nalubog sa matinding korapsyon ang ahensya?

Hindi lang dapat sisantehin ang mga opisyal ng PhilHealth. Dapat kasuhan at ipakulong! Kung kailan pa nasa panahon tayo na umaasa lang ang ating mga kababayan sa tulong ng PhilHealth laban sa COVID-19 at nakaabang na sa implementasyon ng Universal Health Law, saka pa talaga nagnakaw itong mga mandarambong o mandurugas na ito. Karumal-dumal!

Hindi ba kayo inuusig ng konsensya niyo? O wala na talaga kayong konsensya? O alam niyo lang naman na hindi aaksyunan ni Duterte ang kawalanghiyaan niyo laban sa ating mga kababayan? ###

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.