Dispatch from Crame No. 865: Sen. Leila M. de Lima on DOH’s Clear and Blatant Manipulation of Data on COVID-19 Cases

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Nagtala ng 38K “recoveries” sa COVID-19 ang DOH sa isang araw at isinama sa bilang ng “recovered” ang mga mild at asymptomatic.

This is a blatant and monstrous manipulation of data! Hindi iyan “mass recovery,” yan ang mass deception—mas maramihang pandurugas.

Ang mild at asymptomatic ay hindi pa magaling dahil nakakahawa pa at potensyal na magdala ng sakit sa mga mas bulnerable.

Lagi na lang bang ganito, kapag hindi nasosolusyunan ang problema, dadayain na lang ang datos? Lolokohin na lang ang taumbayan?

Panibagong budol-budol gimik na naman. Nitong ilang araw lang sunod-sunod na namatay ang siyam na high-profile inmates diumano dahil sa COVID-19, nang wala man lang klaro at solidong pruweba ng labi at pagkamatay. Kahit ang mga kamag-anak walang kamalay-malay. Ngayon naman itong manipulasyon ng datos sa DOH.

Nakakadismaya na kahit ang DOH ay nagagamit na kasangkapan ng inutil tandem na Duterte at Duque sa panloloko at panlilinlang sa taumbayan. Isa ang DOH sa mga ahensya ng pamahalaan na pinagagana ng siyensya pero ngayon ay nag-uulat ng datos na salat sa siyensya dahil sa dalawang ito. Aba’y imbes na magfocus, ang ginagawa’y hokus-pokus.

Sec. Duque, maraming doktor at frontliners na ang nasawi sa labang ito, huwag mong suklian ang sakripisyo nila sa pandaraya ng datos!

Ang laban kontra COVID-19 ay hindi simpleng pagandahan lang ng numero. Kaya kahit pa anong pagpihit sa datos ang gawin n’yo diyan, kung hindi nilalapatan nang maayos na solusyon ang problema natin, patuloy lang na tataas ang bilang ng mga magkakasakit sa bansa. At paulit-ulit lang din na nariyan ang banta ng outbreak sa atin at hindi tayo makakaahon.

Sa halip na sa mga ganitong panahon dapat lalong may maaasahang gobyerno, ngayon pa itinodo ng administrasyong ito ang pagiging manloloko, tiwali at inutil. ###

Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 865, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._865

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.