Sabi ng mga Prosecutors sa kaso ko at ng DOJ Secretary, “late” daw ang pag-file namin ng Motion for Bail. Dapat daw noong umpisa pa lang ng kaso kami nag-file.
Hinahamon ko ang DOJ na magpakita ng anumang nakasulat sa batas, sa Rules of Court o sa mga desisyon ng Korte Suprema na may taning ang pag-file ng bail motion habang nililitis ang kaso. Malinaw ang nakasaad sa Konstitusyon at Rules of Court na pwedeng mag bail “before conviction” o bago maghatol ang korte, kapag hindi malakas ang ebidensya.
Ang dapat sagutin nila nang maayos ay yung sinasabi namin sa Motion, na wala o walang sapat na ebidensya laban sa akin sa akusasyon na Conspiracy to Commit Illegal Drug Trading. Alam nila na wala, o wala talagang ebidensya. Pero, syempre, hindi nila aaminin yan.
Paano nga naman magkakaroon ng matino o credible na ebidensya sa isang peke o gawa-gawang kaso na bunga ng personal vendetta at political persecution ng isang tao na siya na ngayong pinakamakapangyarihan sa buong bansa?! ###