Dispatch from Crame No. 833: Sen. Leila M. de Lima on the Villainous Hit and Run of Filipino Fishermen by Chinese Vessel—Again!

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

If what happened was a mere collision, why did the Chinese vessel not rescue the Filipino fishermen, as in any ordinary, unintentional and purely maritime accident? Ganyan ba ang kaibigan, papatayin ka o hahayaan kang mamatay?

Insulto na nga sa mga mangingisda natin na tinataboy sila sa atin mismong karagatan at hindi sila maipagtanggol ng gobyerno kapag inagrabyado at nalalagay sa kapahamakan, nakapanlulumo pa na ang pahayag ng Malacañang ay halos pumapabor sa mga siga at bully na Chinese!

Wasak ang bangka at nawawala ang ating 14 na mangingisda. Hindi ito ordinaryo, hindi rin ito unang beses, at mas lalong hindi lang sa mga mangingisdang Pilipino ginagawa, tapos sasabihin ng gobyerno simpleng banggaan lang!

Ganyan din ang sinabi ni Duterte sa sinapit ng Gem-Ver noong nakaraang taon sa parehong karahasan: “Banggaan lang.”

Kung ang bumunggo ay private vessel, at hindi sanctioned ng China, dapat panagutin ang private vessel hindi yung mabilis pa sa alas-kwatro na sinasalag n’yo ang pananagutan nila. Ano, feelings na naman ng China?

Hipokrito at traydor. Hindi n’yo man lang ipagtanggol ang kapakanan ng mga ordinaryong mangingisda. Kahit man lang sa mga pahayag ninyo, talong-talo sila, talong-talo ang mga Pilipino.

Paulit-ulit na lang tayong binabalahura sa sarili nating teritoryo. Tumindig naman kayo. Ano, matapang lang talaga sa mga walang labang mamamayan?!

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 833 here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_833)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.