The country now has the highest death rate and the fastest rise of COVID-19 infections in the Western Pacific region. No wonder our own testing rate couldn’t even hit half of the 30,000 daily tests targeted by the government.
Pero sa halip na mataranta ang gobyerno, pinupuri pa ang isa’t isa na parang malaking tagumpay ang resulta ng trabaho nila! Mag-aapat na buwan na, pero sa halip na bumuti, mas lalo pang lumalala ang sitwasyon natin at lahat ng datos masama ang pinakikita.
At minamasama pa ng Malacañang ang puna ni VP Leni na sya namang may “K” na magsabi.
Marami sa kababayan natin ay taob na ang kaldero. May mga tsuper at manggagawa na namamalimos na. Peligroso na rin ang kalusugan dahil hindi na nakakakain nang maayos. Higit libo na ang namatay at milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho, at ang mga negosyo ay lumulubog dahil lubhang napinsala na ang ekonomiya.
Ano ba ang hinihintay ng gobyernong ito, na maging sindami ng natokhang pa ang mamatay sa COVID-19 bago mag-apura at puspusang kumilos?!
Itigil na ninyo ‘yang midnight press con kung wala namang silbi sa taumbayan at hindi n’yo rin naman iuulat ang dapat na iulat. Puros ngaw-ngaw, inaaksaya lang ang oras ng publiko, ng media, at ng lahat. Sa halip na ulat sa pondo, plano at target ang pinag-uusapan, parating pagturok sa patay na kabayo! Anong klaseng presidente ito, nasa krisis na tayo, elementong lupa pa bukambibig. Tikbalang ka ba?!
Tapatan naman ninyo ang sakripisyo ng taumbayan, ng pribadong sektor at mga frontliners. Maawa kayo sa mamamayan. Naghihirap na, wala ng mapakain sa pamilya. Maski man lang ‘yang mga bagay na kontrolado ninyo gaya ng press con, hindi pa ninyo sineseryoso.
Walang dahilan para hindi makatugon ang gobyerno.
Our country has one of, if not, the best trained medical professionals and infectious disease specialists in our region, and we have funds to respond to this health crisis from foreign loans and grants.
In fact, with our incurred loans for COVID-19, the country’s debt this year will hit a record-high of P9.589 trillion or 49.8 percent of our GDP based on the projection of the Cabinet-level Development Budget Coordination Committee (DBCC).
The only reason for this failure to respond is the mismanaged use of our human resources and fiscal space to combat the pandemic. We are wasting so much resources without gains. And instead of mobilizing the full expertise of our health sector, the whole approach is still fixated on the use of police and military. Sino ba talaga ang kalaban, ang mga tao o ang virus?
At p’wede ba, itigil na rin ang kaiimbento ng issue o krisis gaya niyang Anti-Terror Bill at pagpapalit ng pangalan ng NAIA. Ginagawa n‘yo ng bisyo ang umimbento ng krisis, may totoong krisis na nga. At hindi bubuti ang sitwasyon ng bansa kung gobyernong kulambo lang ang alam ni Duterte.
So, stop fabricating crisis. What we need now are crisis managers, not crisis fabricators and enablers!
(Access the handwritten version of Dispatch from Crame No. 832 here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._832)