Wala na ba talagang pakialam ang gobyernong ito sa mahihirap?
Just look at their insistence on the implementation of the Jeepney Modernization Program—the phasing out of old units—and the Motorcycle Crime Prevention Act or the “Doble Plaka” Law requiring bigger plate numbers on motorcycles.
These are clearly anti-poor measures, which will clearly bring more suffering to many of our countrymen.
Halos tatlong buwan nang hindi nakakapaghanapbuhay ang mga tsuper. Ang bawat araw na walang kita ay pagdurusa sa kanilang pamilya. Pinakahihintay nila ang araw na muling makapasada. Pero nang mag-GCQ, ang sumalubong pa sa kanila ay ang anunsyo ng DOTr na itutuloy na ang planong pag-phase out sa mga lumang dyip.
Most of our jeepney drivers have had no income for three months and have not even received the SAP subsidy. At sa gitna ng krisis, tuluyan pang aalisin ang kanilang kabuhayan. Ganito na ba kamanhid ang gobyerno sa kanilang kalagayan?
Marami rin sa ating mga kababayan ang nakabili ng motor nang hulugan, at hanggang ngayon ay patuloy pa itong binabayaran. Clearly, the prescribed penalty for the violation of the Motorcycle Crime Prevention Act is too harsh for them.
Biruin nyo: Pwedeng makulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at pagmultahin ng P50,000 hanggang P100,000, na kapresyo na ng isang motor!
Galit ba ang gobyernong ito sa mahihirap? Nakukulangan pa ba kayo sa mga problema ng maralita kaya gusto pa ninyong dagdagan ang mga pasanin nila?
Indeed, it’s very bad timing to insist on implementing these measures.
Bugbog na bugbog na ang mga kapuspalad, pero lalo pa ninyong iginagapos na para bang ayaw na ninyong makaalpas sila sa hirap. Maawa naman kayo!
(Access the handwritten version of Dispatch from Crame No. 818, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._818)