Sa aking pamilya, mga kaibigan at mga minamahal na kababayan:
Ang nakalipas na mahigit tatlong taon ay napakahaba nang panahon ng matinding pagsubok. At lalo pa itong pinabibigat ng mahigit isang buwan na ng hindi pagpapahintulot na may makabisita o personal akong makausap.
Pero gaya ng lagi, kapag nababasa ko ang inyong mga mensahe ng pagsuporta, malasakit at pag-aalala, naiibsan nito ang lungkot at napapawi ang pangungulila. Tunay po ninyong ipinaparamdam: Hindi ako nag-iisa.
From the bottom of my heart, thank you very much for your continued faith and support; for standing up and fighting with me in this battle for our dignity, truth and justice.
Ang inyo pong pakikiisa ay bukal ng patuloy kong pag-asa at pagpapakatatag.
I ask for prayers for the PNP authorities’ enlightenment that they ease up the no access/no visitors policy soonest, in deference to my constitutional and human rights and those of the other PDLs in this Facility.
Maraming, maraming salamat po. Tuloy ang laban! ###