Dispatch from Crame No. 798: Sen. Leila M. de Lima on the admission of Presidential Spokesperson Roque on lack of program for mass testing

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Matapos ang mahigit dalawang buwang lockdown at sa gitna ng hindi maalis-alis na takot sa virus, pagtitiis sa gutom at pagkawala ng kita ng marami, pagkabigo sa ayuda para sa iba, at pangamba ng lahat sa mga banta ng mismong Pangulo at pag-abuso ng ilang nasa kapulisan at NBI, ito pa ang bubungad na balita sa atin: walang plano para sa mass testing ang gobyerno. Unli ang abilidad ng gobyernong ito na pahirapan tayo. This is nothing more than a collective torture of the Filipino people. Sobra na!

Para sa magbabalik-trabaho nating mga manggagawa, ipinapabahala na sa pribadong sektor ang pagsagawa at paggastos para sa COVID-19 test nila. Lupaypay na nga ang mga negosyante sa kawalang produksyon at pagkalugi habang nasa lockdown, ipinapapasan pa sa kanila ang dagdag-gastos na ito. Ang lupit nyo!

Gets kaya ng gobyerno na importante talaga ang mass testing? Halos lahat ng pag-aaral sa loob man o labas ng bansa ay nagsasabing kritikal na isagawa ito, kasama ang contact tracing at patuloy na health protocols (gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face mask). Kung importante ang isang bagay ay hindi ba dapat pinaglulugaran? Kung mahalaga, hindi ba dapat ay ginagawan ng paraan?

May emergency powers. May P270 bilyong budget. May US$4.75 bilyong utang mula sa World Bank at Asian Development Bank. Pero walang mass testing. Anyare?

Rather than testing our patients, the government is testing our patience. Kung ang responsibilidad mo ay hindi mo magawa at ipinapasa mo sa iba, anong tawag sa ‘yo? Inutil.

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 798 here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_798)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.