Dispatch from Crame No. 797: Sen. Leila M. de Lima on the crackdown of online Duterte critics

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

I find it very disturbing that our law enforcement agencies – PNP, NBI and even PSG – are training their guns on online Duterte critics.

Kahit walang warrant, kahit walang asunto, arestado.

Hindi ito ang tamang panahon – at walang tamang panahon – na maging ganito kababaw at balat-sibuyas ang mga nanunungkulan sa gobyerno.

Imbes na tutukan ang pagtulong sa mga apektado ng COVID-19, online tokhang ang pinagkakaabalahan. Ano ‘yon? Akala ba nila kapag naaresto ang pumupuna ay mawawala ang problema?

At ang lagay ba: Kapag si Duterte ang nagbanta, namahiya, nagmura, nagpapatay, nagpakulong sa isang inosente, tatahimik na lang tayo? Kapag kaalyado nila ang lumabag, maawa na lang tayo? Pero kapag kritiko at ordinaryong Pilipino, parusa at kulong agad?

Hypocrites! Double standard at its worst. What we need right now, especially during this time of crisis, is an equal protection and application of the law.

Buti pa sa Taiwan, pinoprotektahan ang ating kababayan mula sa mismong gobyerno natin. Dito, binubusalan ang bibig ng dumadaing at naghahangad ng magandang serbisyo.

Kung ayaw nilang mabatikos, puwes, magpakatino sila at ayusin nila ang kanilang trabaho, o mabuti pang umalis na lang sila sa gobyerno.

Let all courageous people protest, via any and all forms including internet platforms, this assault on our fundamental freedom of expression and persist in calling out presidential wrongs and excesses. Let them arrest multitudes, if they can, and be exposed as enablers of fascism and tyranny.

Kailangan natin ng mahusay at maaasahang liderato. Hindi ‘yung akala mo kung sinong maton kung umasta pero balat-sibuyas naman kapag pinuna.

Rage, rage against the raiding of our rights! ###

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 797, here: https://issuu.com/senatorleil…/…/dispatch_from_crame_no._797)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.