Dispatch from Crame No. 794: Sen. Leila M. de Lima’s Reaction to House Speaker Cayetano’s Statement re: ABS-CBN Franchise Mess

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

House Speaker Cayetano is not without fault in this franchise fiasco. He set this mess in motion by sitting on ABS-CBN’s renewal application. The House under his leadership is evidently an accomplice to vindictive Duterte’s malevolent designs versus ABS-CBN.

Cayetano left a gaping hole open in this franchise issue and, in that hole, public interest fell down the abyss. Sa nangyaring ito, taumbayan ang nabalot sa kadiliman sa pagsara ng ABS-CBN, kasama ang hanapbuhay ng libo-libong manggagawa nito.

Dapat lang na iwasto ito at kasamang panagutin ang mga sumaklaw sa kapangyarihan ng Kongreso. Nakakadismaya na basta na lang hinuhulog sa bangin ang kapakanan ng taumbayan dahil lang may nagaalburuto na balat-sibuyas sa Malacañang!

Tulad ng sabi ng ilan kong kasama sa Senado, hindi yata nababagay kay Cayetano na idamay pa niya ang Bibliya sa paglalarawan ng pagtuligsa sa kanya, kung siya naman ay modernong Pontio Pilato na nakaubos yata ng alcohol ng isang buong ospital sa paghugas ng kanyang kamay sa ginawang pagpako sa krus sa malayang pamamahayag.

The day of reckoning will include Alan Peter Cayetano. Alam natin lahat ang kinagisnan ni Pontio Pilato. Pagkatapos niyang ipapatay ang mga Samaritano, tinanggal siya sa posisyon bilang gobernador ng Judaea at pinabalik sa Roma, kung saan siya nakalimutan ng kasaysayan, kung hindi man nagpakamatay.

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 794, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_794)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.