Dispatch from Crame No. 786: Sen. Leila M. de Lima on the Spate of Human Rights Abuses amid ECQ Enforcement

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Kinakapos sa essential supplies at equipment para sugpuin ang pagkalat ng COVID-19, pero sa pag-abuso ng karapatang pantao unli ang gobyerno!

Huwag n’yong gawing punching bag ng frustration n’yo ang taumbayan dahil pumapalpak kayo. Baka nakakalimutan ninyong dinadanas natin ang kalbaryong ito dahil mismo sa inyo. Kayo ang nagpapasok ng Chinese Communist Party (CCP) virus sa atin. Kayo ang hindi kaagad kumilos.

Minaliit n’yo ito sa umpisa at tinawanan. Tapos ngayong lulugo-lugo na tayo sa bigat na dala ng COVID-19 ang hahatawin ninyo ay karapatang pantao.

Your attitude there in Malacañang becomes the behavioral response of the ECQ enforcers in the communities. You blame the public, asperse them as “pasaway,” and have the nerve lambasting the people “mahiya naman kayo.”

You paint an image of unruly, disobedient and lawless citizens to justify your lust for martial law—the reason some of our ECQ enforcers get the wrong message and see the situation more as a peace-and-order crisis than as a serious health concern.

Kayo ang mahiya! You don’t and have never set a good example. Ipinahamak n’yo na nga sa CCP virus ang taumbayan, na ngayon ay lalo pang naghihirap, nilalapastangan pa ninyo ang kanilang karapatang pantao.

You incite hate and intolerance. You blame the people for your incompetence, and portray them as the cause of the spread of the deadly virus. The quick use of brute force and unnecessary measures by some ECQ enforcers is observably fueled by the same hate and intolerance you have there in Malacañang.

Nagpapatupad kayo ng zero tolerance para sa mga lumalabag sa ECQ gayong kayo mismo hindi pa tapos sa pamamahagi ng ayudang pinansyal mula sa SAP sa daan-libo pang pamilya. What do you expect those parents who are still waiting for this assistance to do? Let their family die from starvation or lose their sanity?

Kaya nakakahuli ng fish vendor, fruit vendor, at iba pang paglabag sa ECQ na may kaugnayan sa paghahanapbuhay dahil wala pang ayudang dumarating sa kanila. At gusto nilang mabuhay nang marangal sa kabila ng sitwasyon. Ang gobyerno itong makupad at walang sistema, tapos ang hahagupitin ninyo ng parusa ay ang mga tao.

Bago kayo magpakita ng bagsik, tiyakin ninyo na ang gobyerno mismo ay nakakatupad din sa obligasyon nito sa taumbayan at walang pagkukulang. Ngayon kung nagkukulang, tubuan naman ng hiya na magpakumbaba, unawain naman ninyo ang kalagayan ng mga tao, at mahinahong ipatupad ang ECQ.

Hindi ‘yong ganito, na kung hindi baril, hahatawin ng batuta dahil walang face mask o naabutang bumibili sa tindahan sa oras ng curfew. Na para bang walang damdamin at dignidad ang mga tao na puwedeng basta nalang paglaruan ng parusa kung ano ang maisip o ano ang mood ng ECQ enforcer. Wala nang paliwanagan, basta nalang hinuhuli. Kriminal ba sila? Kahit ang kriminal binabasahan ng Miranda Rights bago arestuhin. Bakit dito sa mga lumalabag sa ECQ basta nalang dinadampot?

At all times, observe the rule of law and implement the ECQ with maximum tolerance as the yardstick. There will always be violations under ECQ, but most of these violations can be handled with kid gloves for humanitarian reasons, if not for compassion. I repeat: our common enemy is the virus that Mr. Duterte welcomed in, not the Filipino people who now suffer because of it.

To our policemen, I earnestly appeal to your conscience and love of country, which also means love for the Filipino people: Please be compassionate, respect human rights and allow the people to reason with you to know their side, for they are not criminals; you are trained in combat and can easily spot suspicious behavior from simple ECQ violation. I salute all of you who are doing these already. I know from experience that there are more honest and judicious policemen than corrupt and abusive.

Sa publiko, patuloy po tayong magmatiyag habang sumusunod sa ECQ. Maging aktibo sa panawagan na huwag abusuhin ang karapatang pantao at tumulong na agarang iulat ang anumang pang-aabuso upang hindi na pamarisan at makakuha ng hustisya ang biktima. Patuloy rin nating kilalanin at pasalamatan, kasama ng ating mga frontliners, ang mga ECQ enforcer at mga lingkod-bayad na tapat sa serbisyo, makatwiran at higit sa lahat makatao. Tayo pong lahat ay magkasama sa labang ito.

(Access the handwritten version of Dispatch from Crame No. 786, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_786)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.