Nakakarimarim na imbes na trabahuhin ang pagtugon sa COVID-19 crisis, ang inaatupag ng bangag sa Malakanyang ay yung ngipin ng ibang tao.
At anong kinalaman ng ngipin ni Dean Chel sa laman ng utak niya at dalisay ng budhi niya, sa talino niya bilang abogado, at tapang bilang manananggol ng mahihirap at inaapi?
Abogado rin naman itong si Duterte ah. Yun nga lang, ibang klase ang mga ipinagtatanggol nya:
(1) China na umaagaw ng teritoryo, kumukuha ng negosyo, at nagdadala ng delubyo; at
(2) Mga kaalyado at alipores n’yang tiwali, palpak at abusado.
Kaysa atupagin ang nagugutom at nangangambang sambayanan, at tulungan ang mga doktor at frontliners, nagsasayang ng panahon ang gobyernong ito sa walang kabuluhang presscon.
Ang hinihintay ng lahat ay malinaw na direksyon, at agarang aksyon mula sa administrasyon. Hindi pagsikil sa malayang pamamahayag. Hindi pananakot sa mga nagtatanggol sa mga karapatan.
COVID-19 at gutom ang dapat asikasuhin ni Duterte. Hindi yung ngipin ng may ngipin. Hindi mga kabalbalan.