Sabi ni Inday Sara Duterte sa kanyang Facebook page “Blame the LGUs!” Na-release na raw ang 200 billion (na dapat 275 billion, ang aga namang nakotong nung 75 billion) sa mga LGUs. So Sara says don’t blame his father. It is no longer his fault if the billions did not reach the masses. She says blame the mayors!
Money must be flowing grandly in Davao City, for the presidential daughter to exclaim such an insensitive statement at this time when every LGU and every mayor is reeling from the impact of this pandemic with little support, if at all, from the national government.
Meron bang perang umaagos mula sa Malacañang, lalo na para sa DOH? Hanggang ngayon mga PPEs pa rin ang dinadaing ng mga doktor na isa-isang namamatay sa pakikipaglaban sa COVID, habang si Bong Go ay atubili na nangangampanya para sa 2022 at kailangan pang idikit ang kanyang pangalan sa mga PPEs bago ipamigay sa mga ospital. At may requirement pa na kailangan may picture pagtanggap ng ospital!
Alam na natin ngayon kung bakit parang embudo ang patak ng pera sa DOH, sa mga ospital, at sa mga doktor at health workers. Katulad ng paggamit niya sa Malasakit Centers noong nakaraang eleksyon, mukhang kinokontrol ngayon ni Bong Go ang pera para sa DOH. Every access and release of DOH funds is being attributed to his intervention, a patronage mechanism that harks forward to his bid for the 2022 presidency.
Nakakasuka! Ang perang inilaan na para sa mga ospital, doktor, health workers, at mga nagugutom nating mamamayan ay dapat para sa kanila. Huwag gamitin, ipitin o kupitan sa pamumulitika! ###
(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 762, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._762)