Nagsimula na po ang pagpapatupad ng “community quarantine” sa buong Kamaynilaan, kung saan lilimitahan ang pagbiyahe papunta at palabas ng National Capital Region (NCR). Bagamat hindi ako ganap na kumbinsido na ito ang nararapat na lunas, wala naman siguro tayong magawa ngayon kundi sundin ito at umasa na ang hakbang na ito ay maging mabisa at matagumpay.
Malinaw na nagpabaya noong una ang pamahalaan sa hindi kaagad pagpapatupad ng entry ban at quarantine sa mga galing Tsina. Bakit? Takot na magdamdam o magalit ang pinuno ng Tsina. May oras ang pagpapanagot.
Samantala, nandyan na ang krisis sa biglaang paglobo ng numero sa mga positibo sa virus at may mga namamatay na ngang mga kababayan natin. Harapin natin ito nang buong pag-asa, tapang at dangal.
Tinatawagan po ang lahat na mag-ingat at maging kalmado, makinig sa mga ulat, at makiisa sa mga awtoridad.
Nananawagan tayo sa kinauukulan: Siguraduhin na makatwiran at makatarungan ang mga hakbang at gawing matiwasay at walang pagmamalabis sa pagpapatupad ng mga ito. Tiyakin na walang karapatang pantao ang malalabag. Dapat maging mas handa, mas madalas, mas maayos at tama ang paghahatid ng impormasyon para maiwasan ang kalituhan, dagdag na pangamba, at pagkalat ng mga maling balita. Isaalang-alang ang karapatang pantao ng bawat isa lalo na ang mga manggagawa at huwag idaan sa pananakot at karahasan ang pagpapasunod sa mga patakaran.
Kung paanong nagiging laman ng balita ang naapektuhan na at ang mga personalidad na nagsasagawa ng “self-quarantine,” huwag din nating kalimutang maglatag ng programa para tulungan ang mga maralitang Pilipino na maliban sa banta ng coronavirus ay matagal nang iniinda ang kahirapan, kakulangan sa lingap medikal at iba pang serbisyong panlipunan.
We recognize that millions of Filipinos do not have the capability of doing telecommuting or work-from-home, that is why I plead with employers to put the safety and welfare of their workers first and foremost. Employers should be motivated to allow flexible work hours and paid leaves to their workers.
Alalahanin natin ang mga araw-araw na dinadanas ang kalbaryo ng siksikan at trapik sa pag-commute. Huwag din tayong bumili nang sobra sa kailangan. Ang bawat alcohol at bitamina na iniimbak lang sa bahay ay maaaring makapagligtas ng maraming buhay.
We are in extraordinary times, but as always, we Filipinos will time and again prove that we are a resilient people, and that we can withstand any challenge. Yes, COVID-19 presents a real danger to us all, and we can only survive it if and when we prove that our humanity is stronger than the pandemic and our care for each other spreads faster than the virus.
Walang imposible sa bayanihan ng Pilipino. Mag-ingat, magdasal, at malalampasan din natin ito. ###