Dispatch from Crame No. 732: Sen. Leila M. de Lima’s call for solidarity amid COVID-19 outbreak

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

During times of crisis, our government should ensure that access to reliable public utilities and vital services remain unhindered. All should have access to right information, healthy food, clean supply of water, among others, to enable us to survive the brunt of the coronavirus pandemic.

I make this urgent appeal as a Filipino, a Senator and Chair of the Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development.

Kailangan po nating pagtuunan ng pansin, hindi lang ang mga apektado na ng sakit, kundi pati na ang mga kababayan nating mas nangangailangan at matagal nang pinagkakaitan ng maayos na serbisyo. Silang laging nakikipagsapalaran sa hirap at mas humaharap sa banta ng pagkakasakit—ang mga araw-araw na binubuno ang pagsisiksikan sa MRT at LRT; ang mga contractual workers na sa kabila ng peligrong dala ng bagyo, lindol, malalang sakit o delubyo ay papasok pa rin para may masweldo; ang maghapon-magdamag na kumakayod at nagpapagod sa trabaho pero kapos pa rin ang inihahaing pagkain para sa pamilya; ang mga maralita na kahit may iniindang karamdaman ay walang maipambili ng gamot at pipiliing magtiis at mamatay sa bahay dahil walang pambayad sa ospital.

We need a government and a leader who can serve assiduously and communicate clearly. Let’s stop foolish bravado, nonsensical jokes and hysteria, and provide clear guidance and direction to contain the further spread of the virus and its grave impact to our lives and economy.

Lalong lulubha ang sitwasyon kung may pinuno tayong hindi laging mahagilap, makupad pang kumilos at sabog-sabog mag-isip. Hindi rin po matatapos ang epidemya kung sarili at kapamilya lamang ang sinisikap nating maisalba. Lalong kakalat ang sakit kung magpapanic at kung uunahin ang pagka-makasarili.

Ngayon, higit kailanman, tinatawagan tayong magkaisa, mag-ingat, magmalasakit, magdasal.

(Access the handwritten version of Dispatch from Crame No. 732, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._732)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.