Dispatch from Crame No. 713: Sen. Leila M. de Lima on paid trolls’ continued spreading of lies and bashing of VP Leni Robredo

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Amid the novel coronavirus scare, many of our countrymen have expressed dismay and anger on the incompetence of our leaders, especially Mr. Duterte’s languidness and apathy in addressing the pandemic threat to the Filipino people. My staff told me that netizens took to Twitter to express their indignation by trending the hashtag, #OustDuterte.

Talagang magagalit nga ang ating mga kababayan, kung imbes na pangalagaan ang mga kapwa Pilipino, ay pipiliin ng gobyernong ito na pagsilbihan pa rin at unahin ang interes ng mga dayuhan.

Tama lang na makaramdam na tayo ng pagkasuklam.
Sa mga pumapayag na maging kasangkapan para magkalat ng maling impormasyon para pagtakpan ang katamaran at pagka-iresponsable ni Duterte, ipagtanggol ang kapalpakan at kawalang malasakit ng gobyerno, at siraan ang mga totoong tumutulong sa oras ng krisis at kalamidad gaya ni VP Leni, mag-isip-isip naman kayo, lalo na kung may natitira pa kayong konsensya.

Kung nakikinabang kayo sa fake news, nalalagay naman sa peligro at nasisira ang buhay ng napakaraming tao sa pinagkakakitaan ninyo. Sa panahong ito, napakahalaga ng tamang impormasyon at pagtutulungan para mapanatag ang loob at masiguro ang kaligtasan nating lahat.

Panatilihin po sana nating matibay ang ating malasakit sa ating kapwa, ang ating pagmamahal sa bayan, at ang ating pananalig sa ating Panginoon. ###

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.