Dispatch from Crame No. 703: Sen. Leila M. de Lima’s reaction to Justice Secretary Guevarra’s dare to ‘slug it out’ in court

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Mr. Guevarra, nilutong macao ninyo ang mga kaso laban sa akin. Nag imbento kayo ng mga asunto at nang-engganyo, nagtulak at nanakot ng mga testigong kriminal laban sa akin. Ginawa na ninyo lahat para makulong ako kahit puro kasinungalingan ang mga asunto sa akin sa kabalbalang utos ni Duterte.

Ngayon, ang lagay eh kasalanan ko pa kung bakit hindi ako makalaya? Anu ba namang kabalahuraan yan!

Hinding hindi namin kailangan ang mga pang-iinsulto o hamon mo. Huwag mong pinapangunahan ang aking mga abogado. Alam na alam nila ang dapat gawin.

Hindi ko na kasalanan kung araw araw kang minumura ni Duterte sa kapalpakan ngayon ng iyong mga prosecutor at pekeng testigo. Mahirap naman talagang ayusin ang prosecution kung puro imbento at mga kathang isip ang mga asunto.

Kawawa ka naman kung nakasalalay sa tagumpay ng pagtugis sa akin ang pagtagal mo sa iyong posisyon o pag appoint sa iyo sa Supreme Court. Pero problema mo yan. Pinili mong pagsilbihan ang taong may tama sa ulo. Huwag mong ipasa ngayon sa akin ang pagkaalibadbad ni Duterte sa iyo.

Huwag kang ipokrito. Panindigan mo ang pinili mong landas nang pagkasira ng iyong pagkatao. ###

(Access the handwritten version of Dispatch from Crame No. 703, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_703)Issuu is a digital publishing platform that makes it simple to publish magazines, catalogs, newspapers, books, and more online. Easily share your publications and get them in front of Issuu’s millions of monthly readers. Title: Dispatch from Crame No. 703, Author: Senator Leila M. de Lima, Name: D…

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.