Dispatch from Crame No. 643: Sen. Leila M. de Lima’s Reaction to VP Leni Robredo’s Acceptance of the ICAD

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Kahapon iniisip ko pa kung gaano ka-walang hiya ang panloloko na ginagawa ni Duterte kay VP Leni sa pag-alok sa kanya ng pekeng kapangyarihan bilang co-Chair ng ICAD.

Pero ngayong tinanggap ni VP Leni ang posisyon, hindi ko mapagtanto ang aking galak sa posibleng pagbaligtad ng takbo ng pamamalakad sa baluktot na drug war.

Now the ball is in the administration’s court. As VP Leni accepted the role offered to her, the President and his underlings need to fall in line and give the VP all the help that she needs to succeed.

Akala siguro nung matanda kaya niyang takutin si VP Leni. VP Leni is a true public servant and unsullied by trapo tactics that is the feature of this administration. She will bring compassion where there is none; and leadership and direction where it is needed. Her presence would legitimize the right policies against illegal drugs. Magdadala siya ng sinserong paninilbihan sa isang programang ginagamit lamang para sa pamumulitika.

Lubos akong umaasa na sa VP Leni na ating nakita, narinig at napanood ngayong araw, maipapamalas na sa atin sa wakas na ang salot ng droga ay maaaring sugpuin kung ang namumuno ay hindi siya mismo ang nag-aalaga ng mga drug lords at nagpapawalang-sala sa mga opisyales at kamag-anak na shabu-smugglers.

With her at the helm of ICAD, the only thing preventing our country’s success against illegal drugs would be unscrupulous and corrupt politicians standing in her way.

Sa wakas, maaari nang mapatigil ang patayan, ipahuli ang mga totoong drug lords, panagutin ang mga smuggler sa Bureau of Customs at sa Davao Group, ipakulong ang mga abusadong pulis, buwagin ang mga death squad at iligtas ang mga pamilyang mabibiktima pa sana ng drug war.

The question for our government is “What now?” Will PDEA and PNP give her all the information and support that she needs? Will the DOJ sincerely prosecute cases against true druglords and corrupt politicians alike? Will Congress give her office the budget that they have so generously given the Office of the President in the name of the “War on Drugs”? If the answer to any of these is “No,” then Duterte’s failure in the campaign against illegal drugs is all but sealed.

Yung mga maingay dati na nagsasabi na dapat suportahan natin ang pangulo sa laban kontra ilegal na droga ay dapat maging kasing ingay pa rin ngayong tinanggap na ni VP Leni ang hamon ng pangulo. ###

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.