Dispatch from Crame No. 605: Sen. Leila M. de Lima’s Statement on the New IRR as a “Remedial” Measure to Cover up for Faeldon’s Corruption and the Faeldon / Sanchez Scandal

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

DOJ Secretary Menardo Guevarra does not seem to be so confident with their revised IRR on RA 10592. He believes that if it is not the correct interpretation of the law, it is up to the Supreme Court to settle any question raised against it.

With due respect to Sec. Guevarra, this is passing the buck to the Court. Any head of agency in charge of promulgating the IRR of a law should be convinced himself of the correctness of that IRR. He does not whistle in the dark because anyway, the Court is always there to chase away the ghosts this new IRR has created.

Because that is what this new IRR has raised, the ghosts of dead hopes and frustrated dreams of PDLs who, though convicted of heinous crimes, have faithfully complied with the GCTA Law and did their part as much as they can, given the harsh and brutish conditions of Philippine prisons.

And for what reasons? To cover up the corruption of Faeldon and their negligence in the enforcement of the GCTA Law to the end that hardened criminals and multiple life sentence-servers did not easily go around the provisions of the law and buy GCTA credits with cash.

Pinasasalamatan ko naman si Sec. Guevarra nang kanyang sabihin na hindi dapat ibaling sa amin ni Sec. Mar ang problema sa IRR. Pero alam ko rin na ako ang ginawang palusot na naman ng Administrasyong Duterte para malihis ang pagdiin sa paboritong tuta ni Duterte at sa kanyang tagapagsalita na namagitan sa mga opisyales ng Board of Pardons and Parole para pakawalan ang kanyang dating kliyente na si Mayor Sanchez.

Buking na buking na kasi ang kanilang kahayupan sa pagpapalaya sa malinaw na hindi maaaring makalabas sa ilalim ng GCTA Law. Pero pinilit nila dahil sila ang nasa kapangyarihan. Ginamit at nagpagamit naman ang ilang kasama ko sa Senado para ilihis ang isyu kay Faeldon at Panelo. “Si De Lima na naman ang may kasalanan!” sabi nila, habang hindi makaila ang sobrang pinilit na teorya na ginamit ko daw ang IRR para kumita para sa kampanya sa bigat ng bagsak ng kanilang mga labi sa bawat kasinungalingang kanilang sinambit kapalit ng pagkakataong mahimod uli ang Poon sa Malacañang.

Nakakahiya, nakakasulasok, nakakadiri na ang lahat ng panggagagong ginagawa ng gobyernong Duterte para lamang mailigtas ang tutang si Faeldon at ang payasong si Panelo. At ngayon ang mga biktima ay ang mga karapat dapat na lumaya na PDL na hindi na makikinabang sa magandang layunin ng batas dahil sa sa bagong IRR na inimbento para pagtakpan ang panggagago ni Faeldon sa batas.

Noong ako ang kalihim, lahat ng kapalpakan sa BuCor ay kasalanan ko raw. Pero ngayong nagkakalat ang mga BuCor Director-General sa ilalim ni Duterte, milagro at walang kasalanan sa pangangasiwa ang mga kalihim ni Duterte sa DOJ na malinaw naman na napakaignorante o kaya’y napalusutan ng mga tiwaling opisyal sa ahensya na nasa ilalim ng kanilang kagawaran.

Marahil ay nararapat lang na ang isyu ng Bilibid na ginamit sa akin ni Duterte upang ako ay maipakulong ay siya ring isyu na magbabaon sa kanyang administrasyon. Karma nila ito! Pero bago ito matuluyan, kailangan munang isakripisyo ang maraming PDL na tumupad sa GCTA Law at umasang makalaya na.

Ang bagong IRR nila ay walang ibang kabuluhan kung hindi ang isakripisyo ang mga karapat dapat na makalayang PDL para pagtakpan ang panggagago ni Faeldon at Panelo. At parang Pontio Pilato, naghugas sila ng kamay at pinasa na lang ang paghatol sa Korte Suprema. Samantala, ang mga dapat malaya na ay kinulong muli o binantaan ng “shoot-to-kill” order kung hindi susuko, at ang mga dapat lumaya ay hinubaran na nang tuluyan ng pag-asa.

As I see it, this “remedial” move in revising the IRR is a cover-up for the most scandalous incident of corruption in Mr. Guevarra’s agency and this administration.

Wala na kayong naloloko sa inyong panggagago sa taumbayan. ###

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 605, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_605)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.