Yesterday, the Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development conducted a public hearing on two of our priority measures, namely, Senate Bill (SB) No. 380 or Strengthening the Regulation of Social Welfare and Development Agencies and SBN 184 or the Magna Carta for Child Daycare Workers (which I both filed), and two other related bills (SBN 120 and 299).
I thank our Vice Chairs, Sen. Nancy Binay and Sen. Imee Marcos, for presiding over the hearing, and all the resource persons who attended. I look forward to working with each of our colleagues and partner agencies in institutionalizing more significant measures to uplift the lives of our people from the oppression of poverty and marginalization.
Sa nakaraan nga pong 17th Congress, sa ilalim ng pinamumunuan nating Social Justice Committee, nalagdaan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act at Magna Carta of the Poor Act. At hindi lang po tayo titigil dito, kundi patuloy pang kikilos para sa matagumpay na implementasyon ng mga nasabing batas.
Sa lumalalang kahirapan dulot ng kawalan ng oportunidad, panganib na dulot ng mga sakit at paglabag sa ating mga batayang karapatan, kailangan nating itaguyod ang mga batas na gagawing patas at makatarungan ang lipunan para sa bawat isa. Sa pamamagitan po nito, makakamit ang tunay na pag-unlad nang walang sinumang napag-iiwanan.
(Access the handwritten copy of Dispatch 575, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_575)