Last August 13, Gretchen Diez, a transwoman, was humiliated and dragged in handcuffs for using a female public restroom inside a mall.
Isa po itong malinaw na paglabag sa karapatang pantao ni Gretchen Diez at isang pananalamin sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap ng ating mga kapatid sa LGBT community. Ang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT ay nangyayari araw araw at walang pinipiling lugar. Sobra na. This has to stop!
Last 2018, laman din ng balita ang diskriminasyon laban kay Mikki Galang, isang transwoman blogger, dahil lamang sa pagpila niya sa courtesy lane na para sa mga nakakatanda, mga taong may special needs at mga kababaihan. Siya ay hinarang at pinaalis sa pila ng mga security guards dahil sa pagkwestiyon sa kanyang sekswalidad.
Bagamat hindi na bago ang ganitong insidente ng diskriminasyon, hindi awa ang kailangan ng ating LGBT community kung hindi isang matibay na panukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa kanilang karapatan.
Hangga’t hindi natin nabibigyan ng sapat na suporta ang ating LGBT community laban sa ano mang uri ng pangaabuso at diskriminasyon at walang sapat na impormasyon ang publiko ukol sa mga ganitong usapin, magpapatuloy lang po ang mga ganitong uri ng insidente.
Buo po ang ating suporta sa pagpasa sa SOGIE Bill at sa ating katuwang sa pagsulong ng mga makabuluhang batas sa senado na si Sen. Risa Hontiveros. Let’s all rally to support the passage of the SOGIE Equality Bill and let us work together in putting an end to any form of discrimination against the LGBT community. ###
(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 571, here: http://tiny.cc/DISPATCH571)