Dispatch from Crame No. 561: Sen. Leila M. de Lima’s further remarks on sedition charges against her, VP Leni Robredo and other members of the opposition

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Ito po ang sagot nila sa UNHRC resolution—ang pag-initan na naman ang oposisyon gamit ang basurang akusasyon. Ang tugon nila sa paggiit sa katotohanan at katarungan ay ang usigin at patahimikin ang mga kritiko at naninindigan.

Busy ang gobyernong ito para ibahin ang balita at ilihis ang usapan sa libo-libong pinatay, sa mga batang nadamay, sa pag-etsapuwera sa mangingisda, sa lumalalang ilegal na droga, at sa kapos pa ring pagkain sa hapag ng maraming Pilipino.

Wala pong ibang dapat imbestigahan kundi yung mga pumatay, at yung nag-utos na pumatay sa ilalim ng pekeng war on drugs. Imbestigahan din yung mga tunay na druglords.

As usual, todo deny ang Malacañang na sila ang nasa likod ng kasong ito. Sinong niloloko nila?

Sobrang obvious na ganito ang style ng gobyerno ngayon: mas pinapaniwalaan nila ang mga kriminal at hindi yung matitinong tao. Ang kaisa-isang testigo nila laban sa oposisyon at mga pari ay siya mismong pasimuno ng lahat ng kaguluhan; ang kaisa-isang kriminal na may mahabang rekord ng pagsisinungaling at panggagantso.

Sabagay, natural lang na kumampi ang mga kriminal sa mas kriminal na Pangulo, katulad ng pagpapagamit sa gobyerno ng mga drug lords ng Bilibid bilang mga testigo laban sa akin.

Sa mga kababayan natin na kontra din sa araw-araw na patayan at ayaw sa mga sinungaling, sama-sama po tayo: ipagdasal natin ang kaluluwa ng mga taong gagawin ang lahat para iligtas ang sarili at makatakas sa batas at pananagutan sa bayan. ###

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 561, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch-561)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.